-
pagpray ninyo po na matigil na ang pananakit ng aking ngipin at kung kalooban ng Dios ay matuloy ako sa Amsterdam sa Mayo.
-
Ang kapatid na Angel Companiero ay may lamig sa katawan.
-
mapagpalang araw po sa inyo mga kapatid, ipag pray po ninyo ang asawa ko na magkaroon na ng hanapbuhay para sa ikagaganda ng takbo ng buhay namin lalo na sa kinabukasan ng mga anak namin at hindi na umasa sa mga magulang. Nawa ay malinawan ang pag iisip niya na kailangan niyang kumilos ng kusa o sarili para sa ikakabuti ng lahat. Maraming salamat po sa inyo. to God be the glory. Amen.
-
Ako si Florence at ang asawa ko ay si Jorgen. Gusto ko po na ipag dasal ninyo kami po ng asawa ko. Kase ang asawa ko po ay palaging iniistorbo ng demons. Katulad ng hindi siya makabasa ng Bibliya. Maawa po kayo sa asawa ko at sa akin po. Ipagdasal ninyo rin po na maayos ng maaga ang papeles ng anak ko. Oo nga pala tatlong taon na akong member, sa Guimaras ako na bautismuhan at please na rin po ipag pray ang biyenan ko na hindi magsawa sa pag tulong sa akin para sa anak ko. God bless you. kasi gusto ko po makuha ang anak ko at madala ko na siya sa pagbalik ko sa Sweden.
-
Magandang araw po, ako po si Calos L. Hernandez Jr., na nabautismuhan sa Navotas locale.
Inaamin ko sa Dios at sa inyo mga kapatid na ako'y makasalanan sa salita, sa isip, at sa gawa. Na ako ay hindi marunong makisama ni makibagay man. Ang kalikasan ko ay kasalanan ng laman, isip, mata, at kung ako ay magkasala ay ginagawa ko ang kalikasan na sa akin. Ako ay alipin ng kasalanan, ako ang sanlibutan at ang mga pita nito.
Ako ay nagmamakaawa at nanghihingi ng tulong na ilapit nyo ako sa Dios na ating Ama, na gawin nya akong banal at kabilang sa mga makakatahang kasama ninyong mga banal sa kaharian ng Dios.
Inaamin ko na ipinanganak akong makasalanan at kung wala ang habag ng Dios ay mamamatay akong makasalanan.
Nakikiusap,
Carlos L. Hernandez Jr.
-
Hi po! Ito po si Jenebeb Alao from Cebu. gusto ko po sana na matulungan ninyo po ang papa ko na si Rommel Alao sa pamagitan nang pagdarasal na sana po ay gumaling siya sa kanyang sakit na cancer. Sana po ay maipagpray ninyo po siya. salamat po.
-
Hiling ko po ang mayamang pag-iingat ng Panginoon kay Grace Morilla sa dako ng Dubai s 2 yrs. niyang contract ingatan siya ng Panginoon. Ipaglaan sya ng mabait na amo. Pati po ang training ni Paolo Lopig sa trabaho.sana po makapasa xa.
-
ipagpray nga po yung kapatid ko na hipuin ng Dios ang kanyang puso at ibukas ng Panginoon ang kanyang isipan upang maituwid ang kanyang mga gawa at buhay. Ganun din po ang aking mga pamilya na sana makilala po nila ang Panginoon at tagapagligtas hipuin ang kanilang puso at isipan. Ganun din po na ipanalangin ninyo po ako na maaprubahan na po yung papers ko sa Singapore at makapunta na po ako dun na walang mga balakid po na hahadlang. Marami pong salamat sa panalangin. God bless po sa inyo.
-
Praise the Lord. Humihingi po ako ng tulong panalangin para sa kagalingan ng aking papa. FERDINAND D. CURA, siya po ay may sakit sa bituka. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon simula po ng nabautismuhan siya lumakas po siya ngunit ang kanyang bituka ay nakalabas pa din humihingi po ako ng panalangin dahil po hindi pa po siya naooperahan kaya't minsan po ay sumasakit ang kanyang bituka. Tulungan niya po ako manalangin na sana lumakas at mawala ang kanyang pag aalinlangan sa paglilingkod. Maraming maraming salamat po. God speed. To God be the glory
-
ipag pray ninyo po ang papa ko na gumaling na po sa sakit niya, ang dami po kasi ng sakit ni papa sa puso, kidney,at ang mama ko din po sa kanyang kalusugan. ipag pray ninyo din po sila kuya na maging 4th watcher na po kasi kahit anong gawin po namin ay matigas pa rin ang puso pagdating sa Panginoon. Ito lang po ang aking prayer request, I hope po na ipagpray po ninyo, tnx po Godbless.♥
© 2013 Pentecostal Missionary CHURCH OF CHRIST (4th Watch)