-
Papuri sa Panginoon!.Ibabahagi ko po ang biyaya ng Panginoon sa aking buhay.Tunay na marami po ang tinawag sa pananampalataya ngunit di lahat ay nkapanatili.Sa biyaya po sampung taon napo ako at naakay ko na rin po ang mother ko.May karamdamn po sya na Lupus.. ngunit simula po ng sya ay magpabaustismo at manampalataya sya ngayon po ay malakas na at malusog..sa biyaya po ang dating mahina nyang katawan na halos po mawalan na sya ng buhay ay ngayon po tuluyan syang pinagaling ng Panginoon. Last year po rin ay naksama narin nmin sa pananampalataya ang ate ko po. Nais ko din po ibahagi ang biyaya ng Panginoon sa akin,tunay na kinahabagan ng Panginoon ang kanyang mga anak .Nag apply po ako sa abroad last month sa tulong ng isang kapatid at nagresponse napo yung agency regading
sa application ko. Sa biyaya magpatuloy po ang proseso ng papel ko at gamitin po ako sa pagttayo ng kapilya nmin sa local.Nawa ipaghanda po ako ng Panginoon ng makatulong din po ako sa pinansyal na pangangailangan ng aming Church. Sa Dyos po ang kapurihan.Maraming salamat po sa inyong kahabagan sa aming sambahayan.Ingatan nyo po ang kapatid na naging instrumento sa application na ito.patnubay ng banal na spiritu ang gumabay sakanya sapagkat wala pong gawain sa kanyang lugar.Papuri sa yo Panginoon!!
-
Isang malaking biyaya ang makabahagi ng isang patotoo ako po ay pangalawa sa magkakapatid at isa sa inaasahan sa amin ng mga magulang ko gunun pa man nagpapasalamat ako sapagkat binigyan ako ng Panginoon ng mga magulang na nagtutulak upang magtalaga ako ng lubusan sa church ng pasig. di alintala sa kanila ang ikakabuhay ng pamilya at lubusan sa pagtitiwala sa Dios kaya ng ako ay magtalaga ng buhay isang malaking biyaya na ang panalangin ko sa Panginoon ay magkaroon ang ate ko ng trabaho na makakasimba cya ng linggo biyaya po agad akong tinugon ng Panginoon nagkaroon po cya ng trabaho na free ang linggo nya para makasamba kaya lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagtugon nya sa aking mga panalangin muli ibinabalik ko ang walang hanggang papuri at pasasalamat sa DAKILANG DIOS PURIHIN ANG PANGINOON.
-
Isang malaki pong biyaya ang mashare ko po ang kabutihan ng Dyos sa akin ..
Last December po naghanap po ang school namin ng ilalaban sa web designing at biyaya po ng Panginoon isa ako sa napili doon .. dahil nga po December at time ng Caroling biyaya po ng Panginoon, sa pamamagitan ng kanyang mga salita na ang panalangin ang unahin ang mabubuting bagay ... kahit hindi po ako nakakpag training ng ayos dahil po time iyon ng caroling biyaya ng Dyos nakatung tung po ako ng district meet biyaya po ng Dyos nung nasa laban na ako may 13 candidates po na lalaban .. patuloy lang po ako sa pagpapray na sana matanggap ako para sa division biyaya ng Panginoonsa pamamagitan ng patuloy na pananalangin 7 na lang po ang naglaban laban sa web designing dahil po nag backout yung iba .. at bago po magstart ang competition pinagkatiwala ko sa kanya ang laban at biyaya ng Panginoon nung presentation na apat na lang kamin natira at kinabahan po ako dahil ang dalawang nauna ay magagaling tapos pagbukas po ng website ng pangatlo maganda din pero hindi po ako nawalan ng pag asa pinanghawakan ko ang pananampalataya na makakapasok ako sa top 3 .. laking himala po hindi po gumana ang mga links ng 3rd candidate na naging dahilan ng pagbackout nya at dahil po dun nabigyan po ako ng pagkakataon na makapasok sa division meet isang malaking biyaya po at patotoo iyopn sa aking mga kamagaaral.
PURIHIN PO ANG PAGINOON !!
PRAISE GOD
-
Praise God! :)
He is so good and great and loving.
I am very happy because He gives me wisdom and understanding which helps me excel in school. I got really really excellent grades this Second Term. :)
To God be the Glory!
God bless us all! :)
-
I adore You! :)
Almighty Father, thank you so much for making things possible!
I am very thankful that my Article was published in our School Publication.
Many students liked it, because it is about how prayers works wonders.
Thank you Lord. You are so great! And I love You. &$lt;3
To God be the Glory! :))))
-
Ako po ay nagagalak at lubos na nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat tunay na napaka-dakila ng kanyang kahabagan.."Tunay ngang ang DIOS ay mabuti sa lahat.." Ang DIOS ay laging nariyan upang patuloy na tulongan tayong makatawid sa landas ng pagsubok..Ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ay tanda lang na sinusubok ang ating pananampalataya, kaya salamat sa DIOS..Pag-asa ko ang pananampalataya ko na in GOD's time ang aming pamilya ay muli ding mabubuo sa kabila ng lahat..Na kung paanong ang DIOS ay gumawang makapangyarihan sa lahat sa mga buhay ng mga kapatid sa PMCC 4TH WATCH sa mga waring impossibleng tagpo sa mga buhay nila ay gayun din NIYA gagawin samin...Magtiwala lamang sa KANYA at walang impossible..GLORY TO GOD..Bagamat minsan nakakaranas ako ng mga panghihina ngunit sapat ang gawa ng DIOS na sa kanyang masaganang biyaya ay nakakapanatili ako sa paglilingkod at nakakabahagi ako sa malalaking gawain ng iglesia wherein duon tayo higit na pinalalakas ng DIOS...To GOD be all the glory.
-
Isang malaking biyaya ang makabahagi ng isang patotoo ako po ay pangalawa sa magkakapatid at isa sa inaasahan sa amin ng mga magulang ko gunun pa man nagpapasalamat ako sapagkat binigyan ako ng Panginoon ng mga magulang na nagtutulak upang magtalaga ako ng lubusan sa church ng pasig. di alintala sa kanila ang ikakabuhay ng pamilya at lubusan sa pagtitiwala sa Dios kaya ng ako ay magtalaga ng buhay isang malaking biyaya na ang panalangin ko sa Panginoon ay magkaroon ang ate ko ng trabaho na makakasimba cya ng linggo biyaya po agad akong tinugon ng Panginoon nagkaroon po cya ng trabaho na free ang linggo nya para makasamba kaya lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagtugon nya sa aking mga panalangin muli ibinabalik ko ang walang hanggang papuri at pasasalamat sa DAKILANG DIOS PURIHIN ANG PANGINOON.
-
Praise the Lord!
God is indeed very good to me. I am so blessed with many challenges and struggles in life that I have overcomed with His graces. I have learned a lot since I am attending Bible Study and Prayer Meeting. I have come to witness God's great love for me. I am so proud and so happy to be a 4TH WATCHER and to be God's servant.
I just want to tell the whole world of how God.. through His Sent One, Apostle, and to all the Ministers and Pastors and Brothers and Sisters -shows us His great love and power.
Things are getting better because of Faith and Trust to Thee, with the help of the sacred Bible. I also want to say thank you to all those people who became God's instrument so I'll be able to hear His magnificent words.
Wishing and praying for God's help in celebrating the 23rd International Convention. TO GOD BE THE GLORY!!!
-
praise God and thank you LOrd! Top 1 po ang anak kong si arhxyle p taleon sa kanyang nursery class... thank you Lord.. Amen!!
-
Isa pong mapagpalang araw!
Ako po ay nagagalak at nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan sa aking buhay. Ang pinapasalamat ko lng sa Panginoon ay yung ipinakilala niya sa akin ang tunay na evangelio na dala ng kanyang sugo sa kawakasan ng huling araw.
Kung akin pong babalikan nang ako ay maliit pa lamang ay napagkakitaan na ako ng pagiging maka_Dios. Ako po ay inborn sa Roman Catholic at naging collection ko yung mga santo, sa katunayan nga po gusto ko nga noon na maging pari. Madalang rin ako pumupunta ng simbahan sa katunayan, tuwing may kasal,binyag,libing, holy week, christmas at birthday lng ako pumupunta sa simbahan, ngunit naryan pa rin sa akin ang damdaming maka Dios. Gumagawa ako ng mga crus na gawa sa kawayan at inilalagay sa bawat sulok ng bahay, at kung holy week ay nagdadala ako ng empty botted at pinanalalagyan ng holy water, at tinatambak sa bahay. Sa loob ng 12 years yan ang aking ginagawa. Tinatawag na nga ako ng taga amin na father.
Nung ako po ay nasa grade 6 na convert ang aking ina sa isang born again christian at sinasama niya ako sa pagsismba, sa iang mall pa nga ang aming simbahan, sa isang cinema. naging active ako doon, doon ako natutong mag offering at mag tithes. Ine encourage ako ni mama na sumali sa mg kagaya kong edad, ngunit dahil sa likas akong mahiyain ay sa tabi lng ako ni mama. Dumating ang panahon na nawawalan na ako nag gana sa pagsimba, sumisimaba lng ako kapag may kapalit na jollibee at pagkatapos ay bumablik ako sa simbahan at doon ay natutulog, gigising lng ako pag tapos na, hindi naman ako nakikita kasi hindi naman gaanong maliwang, sinehan nga lng.
Dumating panahon na hindi na ko nakikinig kay mama, pati nga Dios ay dinadamay ko na at pinag mumura. Isang araw ay may dumating na panauhin sa aming bahay, isang babaeng nakapaldang mahaba, tinatawag ko ngang si maria clara, siya po ay pastor ng PMCC 4th Watch, di Ptr. Remy, nagbible study sia sa aming bahay, ngunit hindi ako dumadalo dahil sa akin ay waste of time lang ang pag bible study. Pinapalakasan ko pa nga ang volume ng t.v sa kwarto. Kahit isang beses ay hindi talaga ako dumadalo sa bible study, dumating nadin ang punto na kahit sina mama at papa ay nagtatago na rin, maaga pa kaming umaalis ng bahay tuwing sabado upang maka iwas kay Ptr. Remy. Nang ako ay makapag graduate nag High Shool ay pinapili ako ni mama kong saan ko gustong mag aral, 3 private school ang pinapilian sa akin, UNO R, Bacolod Christian Center, at Maranatha Christian Academy. Kumuha ako ng entrancwe exam sa UNO R ngunit d ako nakapasa kaya sabi ko sa Maranatha na lng ako para may kasama ako, doon naman kasi mag aaral ang clasmate kong si queenie. Nang pasukan na ay nagtaka ako kung bakit after nang flag ceremony ay pumunta kami nang chapel para daw mag chapel hour, "Pati pa naman dito?" sabi ko sa isip ko, sa tuwing magchapel hour ay unti unti kong nauunawaan ang salita ng Panginoon, nadama ko ang pag ibig at hindi ko maipapaliwanag ang kaligayahang aking nadarama. Pag uwi ko sa bahay ay agad akong nag pa alam kay mama na sumamba sa PMCC 4th Watch at pumayag naman siya, natuwa pa nga sya. Sa una kong pagdalo ay nainip ako dahil ang tagal matapos, ngunit sa kalaunan ay hindi na ako nainip. After ng 4 sundays na pagdalo sa pagsamba ay nagdesisyin na akong magpabautismo, matapos akong mabautismuhan ay nadama ko ang gaan ng pakiramdam, parang nakalutang ako sa langit at may kagalakang nagmumula sa aking puso. Simula noon ay naging active ako sa pagdalo sa mga pagsamba, at kinukuha ko ang tithes sa bawat perwng ibinibigay sa akin, pagkatapos ay nag oofering din ako. Iba yung kagalakang nadadama ko sa oras na ko ay makapakinig ng mga salita ng Dios, naging officer din ako sa local ng Valldolid, at napili ding officer sa District since cadets ako at magpahanggang ngayon. Naatangan din ako ng mga katungkulan sa simbahan. Kya magpahanggan ngayon hanggang sa lumipat ako nang lokal ng bacolod, patuloy ko paring ginagawa nag kalooban ng Dios, kahit na nag aaral ako ngunit after nang class ko ay pumupunta ko ng simbahan at dumalo at sumasama sa mga kawan at extension.
Sa kalunan ay patuloy kong pinanghahawakan ang salita ng PAnginoon kahit maraming mga pagdubok at mga kahirapan pero ang pananatiling matibay sa turo ng mga Sugo ng Dios ang siyang kalakasan ko. Kya ako po ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat kinahabagan niya ako at ibinilang sa kanyang tunay na iglesia na pinangungunahan ng buhay na sugong apostol. purihin ang Panginoon.
© 2013 Pentecostal Missionary CHURCH OF CHRIST (4th Watch)